Music Tumblr Themes

Text Post Thu, May. 24, 2012 1 note

~ HAHAHAHAHAHAHAHAHA
akala ko maiksi lang,medyo mahaba pala yung kwento. gawa ko yan eh. requirement nung 1st sem.

enjoy reading =) 






Text Post Thu, May. 24, 2012 3 notes

Ang kwento ng aking Pag-ibig


             Tumunog na ang bell, alas dose na, sa wakas uwian na. Atat na lumabas na silid-aralan, na para bang may hinahabol pa. Andaming tao, akala mo palengke. Nagmamadaling bumaba ng hagdan, nag biglang may nasagi na ako. Sorry, sabay alis nang hindi ko man lang napansin kung sino man yun. Diretso sa bahay ni Bryan, at naglaro ng paboritong bala sa Ps1. Nagugutom na ko, gabi na pala. Malamang hinahanap na ko ni nanay. Pagkatapos na magame over, umuwi na at naghanap pagkain sa kusina. “Saan ka na naman nanggaling? Bat ngayon ka lang umuwi?” ang tanong ng aking pinakamamahal na nanay. Dirediretso sa pagsubo ng ulam na adobong manok at tumigil din si nanay sa kakangawa. Maya-maya ay naramdaman ko na ang tawag ng kalikasan, at sumaglit sa banyo naming madilim.

           “Tol, panuod ako ah. Iba kasi pinapanuod ng mga tao sa bahay eh.” Sabi ng tropa kong si Karlo. At sabay na kaming nanuod ng sikat na palabas noon na Dragon Balls. Kinagabihan umuwi na rin siya, at ako’y natulog na. Kinabukasan, tanghali na kong nagising. Nagmamadali ng naghilamos, nag-bihis at pumasok na nga ko sa eskwelahan. Parang pusang pumasok sa silid-aralan para lang hindi mapansin ng masungit kong guro. At saglit na naka-idlip sa aking desk, nagising na lamang sa mga ingay nag aking mga kaklase. Maya-maya ay napalingon ako sa isang babaeng ngayon ko lang nakit nakaupo malapit sa bintana. Nang bigla akong napa-isip “Sino kaya siya? Transferee ? o baka naman matagal na siya rito, ngayon ko lang napansin.” Sabay tanong sa isa kong kaklase, Riza May daw ang pangalan, transferee nga daw siya galing sa probinsya.

            Ilang minuto lang ay may narinig akong nagsalita “Deligero,Fernandez,Cruz,Reyes,Sevilla at Delmonte kayo ang magkaka-grupo.” Sabi ng teacher. At nilapitan nga ako ng mga ka-grupo ko, nag-usap at nagkasundo. Sa darating na sabado ay gagawa na kami ng dance presentation para sa MAPEH Class. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na pumunta. Nakakahiya man sabihin, hindi ako marunong sumayaw. Pakantahin mo nalang ako, pero wag na wag mo akong papasayawin dahil parehong kaliwa ang mga paa ko.

              Napaka-himbing pa ng tulog, nang bigla nalang ginising ni nanay. Nandyan na daw ang mga kaklase ko at hinahanap na ako. Di ko alam kung bakit, dahil hindi ko naman kung anong petsa noon. Nang biglang sumigaw si Bryan, “hoy! May practice tayo.” Saka ko lang naalala na sabado nga pala. Pagkatapos maghilamos at magbihis ay lumarga na sa bahay ng aming bagong kaklase. Di ko akalaing mayaman pala sila, may sasakyan at may magandang bahay. At nagsimula na silang gumawa ng mga steps ng sayaw. Habang ako’y nakaupo at pinagmamasdan sila, ay napansin kong hindi lang pala maganda si May, magaling din pala siyang sumayaw. Nang kinalaunan ay napansin niyang wala akong ginagawa kundi ang panoorin siya. Bigla niya akong nilapitan at tinanong kung bat wala akong ginagawa, at nang sabihin ko na ang dahilan ay napangiti na lamang siya. Unti-unti niya akong tinuruan at kahit papano ay may nagging pagbabago naman. Gabi na kaya umuwi na kami nila Bryan, Micca, Vince, at Ivy.

             Kinabukasan, mukha na kaagad ni May ang sumalubong sa akin habang naglalakad sa hagdan papa-akyat ng silid-aralan. Nakatuwang isipin na may isang taong ngumingiti na para bang isang anghel. Hinahangaan ko na nga siguro siya. Sa mahaba niyang buhok, malumanay na boses at mahinhin napagkilos, lahat ay nakakabighani sa katauhan niya. Maya-maya ay dumating na nga ang teacher namin, hindi man ako magaling sa aming klase, pero para bang may isang magandang bagay na nagtutulak sa akin para galingan ko para mapahanga ang isang tulad niya.

              Dalawang linggo na lamang ay Fourth monthly examination  na, wala pa akong kahit isang subject na narereview. Maya-maya ay lumapit sa akin si Vince at may binulong na ideya. Yayain raw naming si May na mag-review, dahil matalino ito at isa sa tumatakbo sa pagiging Valedictorian sa klase namin. Syempre natuwa ako sa ideyang naisip ni Vince, kaya lang nag-dalawang isip din ako kung papaya ba siya. At tumakbo na nga palayo sa akin at hinabol si May na pauwi na. Habang naglalakad pauwi ay iniisip ko parin kung papayag ba siya. Hanggang narating ko na ang aming munting tahanan at doon ay naghihintay sa akin ang aking nanay na uutusan na naman ako.

              Kinaumagahan, inagahan ko ang pagpasok sa eskwelahan. Wala pang masyadong estudyanteng naglalakad sa pasilyo. Sumaglit muna ako sa roof top ng builing naming upang maramdaman ang lamig ng hamog sa umaga. Nadatnan ko dun si May na nakaupo sa sahig na may sapin na kumot, kumakain ng tinapay at umiinom ng tea. Nagulat ako, dahil di ko inaasahang may nauna pa sa akin doon ng mga oras na yun. Ramdam kong di rin niya inaasahang pupunta ako doon. Pagkatapos ng saglit na pagkatitig sa kanyang mga mata ay inalok niya ako na kumain ng almusal kasama niya. Maya-maya nang paalis na siya ang narinig ko nalang na sinabi niya ay “Kita kits bukas sa bahay nila Vince.” At may magandang ngiti siyang iniwan sa aking mga mata. Hindi ko napagtantong pumayag na pala siya sa alok ni Vince. At sobrang galak ang aking naramdaman ng mga oras na yun.

             Nang sumunod na araw ay excited akong pumunta kina Vince. Amoy na amoy ang pabangong hiningi ko kay tatay. Pagdating ko kina Vince ay si May agad ang nadatnan ko, akala ko nag-umpisa na sila. Nang bigla nalang sinabi ni May na hindi na makakasama si Vince sa pagrereview dahil naospital ang tatay niya. Kaya kami nalang ni May ang magkasamang nag-review sa bahay nila. Ilang saglit lang ay dumating na ang kanyang mama kasama ang kanyang kuya. Tinanong kaagad ako ng six footer niyang kuya kung ako daw ba yung manliligaw niya. Dalawang iling nalang ang naisagot ni May sa kanyang kuya at napa-ngiti na lamang ang mama niya. Nang matapos ang pagrereview naming ay umuwi na rin ako kaagad. Habang naglalakad mag-isa ay napa-isip ako sa ideyang ligawan na nga si May. Dahil sa sinabi ng kuya niya na may manliligaw na nga siya, sa totoo lang narinig ko na kay Bryan yung tungkol dun pero di ko inasahang totoo nga.

             Malapit nang sumapit ang pasko ng parang hangin lang, nang makita ko si May na palabas ng kanilang bahay na may kasamang lalaki na masyadong bata para maging tatay niya. Naisip kong siya nga yung sinasabing maliligaw niya, at ngayon ay sila na. Pagkatapos ng exam ay nabalitaan kong wala na sila. May iba na daw kasi yung guy. Syempre dahil kaibigan ko na si May ay malakas na ang loob kong sabihin sakanya ng nararamdaman ko. Pero hindi parin pala yun sapat.  Lagi nalang akong natatameme kapag nagkakaroon ako ng pagkakataong sabihin sakanya ang nararamdaman ko para sakanya. Pero dumating yung panahon na naramdaman kong ayokong mawala siya sa akin at para wala nang iba pang umeksena ay sinabi ko na nga. Habang naglalakad siya pauwi kasama ang iba naming kaklaseng babae at tinawag ko ang pangalan niya. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga bidang artista sa pelikula at siya ang aking leading lady. Maya-maya ay napalingon na siya at lumapit na ako sakanya at tinanong kung pwede ko siyang maka-usap. At sabay na nga kaming naglalakad pauwi, habang naglalakad ay di ko na maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko na para bang kahit anong oras ay pwede akong bumagsak at mawalan ng malay.

                 Sa halip na “kung pwede ba kitang ligawan?”Sa sobrang kaba nasabi ko nalang ay kung pwede ko ba siyang maging girlfriend. Di ko na napansin na mali ang nasabi ko. Pero sa kabila nito ay  isang napakalamig na ngiti parin ang kanyang sinagot sa akin na nakapagpagaan ng kalooban ko, na para bang oo na ang sagot niya. Ilang saglit pag ay bumuka na ng kanyang mga labi at sabay sabing “pag-iisipan ko.” Ang katagang inaasahan ko. Hinatid ko na nga siya sa kanilang bahay, at pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso kaagad sa kwarto at inalala ang nakakatawang kamaliang ginawa ko.

                Nagdaan ang ilang araw na naging linggo, ilang linggong nagging buwan. Hindi namin napag-usapan ang araw na yun pati na rin ang naipagtapat ko na para bang walang nangyari, wala akong sinabi at wala siyang narinig. Pero para bang tadhana na rin ang nagtutulak sa amin, siya ang ka-partner ko sa JS Prom. Di ko inasahan pero syempre hindi ko naman maitatago na inasam ko din na siya ang makapareha ko. Sa Bawat nagdaraang araw ay lalo akong napapalapit sakanya, sa araw-araw na magkasama sa practice lagi niya akong napapasaya. JS na, ang gabing pinaka-hihintay ko. Napaka-ganda niya ng gabing yun. Lagi naman siyang maganda sa paningin ko, pero ibang klase talaga yung gabing yun. Para bang lahat sa kanya lang nakatingin, lahat ng magagandang bulaklak ay mahihiya sa kagandahan niya. Bigla nalang akong lumapit sakanya kahit na hindi ko alam ang sasabihin ko. Natameme na naman ako ng mga oras nay un, at inabot ko nalang ang bulaklak na hawak ko. Nagsimula na ang program at tumayo na nga aako pinuntahan ang partner kong si May. Maya-maya ay natapos na nakatakdang sayaw naming.  Pagkalipas ng ilang minute ay nagsimula na ngang patugtugin ang mga sikat na lovesongs, isa isa nang tumatayo ang mga kalalakihan para yayain sumayaw ang mga babaeng gusto nilang makasayaw. Di na rin ako nag-sayang ng oras at nilapitan ko na siya. At habang isinasayaw ko siya ay may ibinulong siya sa akin. “payag na akong maging girlfriend mo.” Para bang tumigil ang mundo ko, at siya lang ang nakikita ko. Parang isang napaka-gandang kanta sa aking mga tenga. Hindi makapaniwala kaya pinaulit pa. Totoo nga ang narinig ko. Di ako nananaginip dahil gising ako. Sa sobrang saya ay nayakap ko siya na hindi ko akalaing magagawa ko. Isang gabi na hindind-hindi ko makakalimutan. Gabing kahit ulit-ulitin ay hindi ko pagsasawaan.

                    Simula ng gabing yun ay hindi na kami ordinaryong magkaibigan na lamang. Di na basta bastang tropa nalang. Isang pangako lang ang kaya kong bitawan para sakanya, na hanggang sa huli andito ako para sakanya at kahit na buhay ko pa ang kapalit ay ibibigay ko para lang sakanya. Ilang taon din kaming nagsama, sobrang saya. Bawat araw ibang kabanata, animo’y may sarili kaming lovestory. Mga araw na binuo ng mga ngiti niya at ng mga mahihigpit niyang yakap. May mga nakasalubong na problema pero dahil mahal naming ang isa’t-isa kayang-kaya naman naming dalawa.

                 Bawat araw na kami’y magkasama para bang habambuhay na. Mga pangarap kong nabuo nang dahil sakanya, mga pangarap na hindi magkakatotoo kapag mawala siya. Sabay na iniukit ang bukas na magkasama, mga bahay at pamilyang nabuo sa aming mga imahinasyon na may pagkakataong matupad sa di nalalayong hinaharap. Hinding-hindi ko hahayaang mawalay sakanya, marahil di ko na nga yata kayang mawala siya di dahil di ako mabubuhay kapag mawala siya kundi dahil napaka-sarap mabuhay sa mundong ito na kasama siya. Dati masaya na akong mabuhay sa madilim kong mundo, pero simula nang makilala ko siya, kontento na kong maging masaya sa mundong kapiling siya. Ngunit hindi pa nga siguro naming nalalagpasan ang pinaka-matinding pagsubok sa aming relasyon, yung bang susubok sa pagmamahalan naming dalawa. May lihim parin pala siyang hindi sinasabi sa akin, lihim na hindi ko matanggap. Matagal na pala siyang na-diagnose na may Leukaemia, isang uri ng cancer sa dugo at stage four na. Nung una hindi ko mapigilang magalit kung bakit hindi sinabi sa akin pero kinalaunan nawala din yun dahil sa sobrang pagmamahal ko sakanya at sa kagustuhang makasama pa siya ng matagal. Buwan-buwan ko siyang sinasamahan sa Cardinal Santos Hospital para magpa-chemotherapy. At sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan at nasasaktan ay dobleng sakit ang aking nararamdaman. Sa bawat gabi na sinusugod naming siya sa ospital sa tuwing inaatake siya, ay hindi na ko makatulog sa kakabantay sa kanya. Sa araw-araw na pagdarasal na dagadagan pa ang oras na itagal niya rito ay hindi pari ako nawawalan ng pag-asang matutupad ang hiling ko. Hangga’t hindi siya bumibitaw ay hinding-hindi ko bibitawan ang kanyang kamay at patuloy parin siyang sasamahan sa pagpapa-gamot niya.

                   Ngunit kahit na ano pa man ang aming gawin kung ito na ang nakatadhana ay wala pa rin akong magagawa. Isang gabi sa kwarto niya sa ospital, habang natutulog siya ay hawak ko pa rin ang malambot niyang kamay. Dumating na ang kanyang mga magulang at mga kapatid para magbantay. Nang bigla nalang naging unstable ang kalagayan niya. Tinawag na ng kapatid niya ng doktor at mga nurse. Nanatili akong hawak ang mga kamay niya, habang patuloy ang doctor sa paglagay ng kung ano-ano sa katawan niya ngunit maya-maya ay tumigil din siya. At sinabing wala na daw talaga. Mga katagang hindi ko matanggap, na para bang gusto kong ilampaso sa sahig yung doctor sa mga oras nay un pero hindi ko magawa. Di ko magawa dahil hawak ko ang mga kamay ng taong pinakamamahal ko, hindi ako tumigil sa pagsabi ng mahal na mahal ko siya. Ngunit hindi ko maintindihan nang siya’y nangako na makakahanap pa ako ng isang babaeng katulad niya. At bigla nalang tumunog ang mga aparato na nakakabit sa katawan niya. Tumigil na nga ang pagtibok ng puso ng taong nagpatibok ng puso ko. At hindi na napigilan ng luha na tumulo mula sa aking matang nakatitig lamang sakanya. Sa mga oras na yun ay wala akong ibang hinangad kundi ang mabuhay siya. Isang himala na hinding-hindi mangyayari pa. Wala na nga ang babaeng minahal ko. Ang babaeng kasabay kong nangarap ng isang masayang pamilya. Ang babaeng bumuo sa pagkatao ko. At kahit na kalian ay hinding-hindi ko na siya makikita. Paalam aking mahal, paalam na sa mga msasayang araw nating dalawa. Ngunit kahit na kalian ay hinding-hindi papanaw ang pagmamahal ko para sayo aking mahal. Hinding-hindi maglalaho ang pangakong sayo ko lamang inialay. Mahal na mahal kita at patuloy pang mamahalin sa mga darating na araw pa.






Photo Post Thu, May. 24, 2012 3 notes

~ eeeehhh :”>

~ eeeehhh :”>




Photo Post Wed, May. 23, 2012 2 notes

* just found this on my facebook acc.honestly, when i finally read this I only had one person in mind.parang siya nga yung tinutuloy rito eh, siyang siya kasi yung nasa description.all I can say is that ..“I think I already found him. but I let him go even if doesn’t want to.” 

* just found this on my facebook acc.
honestly, when i finally read this I only had one person in mind.
parang siya nga yung tinutuloy rito eh, siyang siya kasi yung nasa description.
all I can say is that ..

“I think I already found him. but I let him go even if doesn’t want to.” 






Photo Post Wed, May. 23, 2012 15 notes

~ hmp! not good .. =(

~ hmp! not good .. =(





Photo Post Wed, May. 23, 2012 2 notes

~photo tagged by my Uncle.
taken from Caramoan Island.I really wanna go there. whooohhoo!A very gorgeous place. waaaaaa .. 

~photo tagged by my Uncle.

taken from Caramoan Island.
I really wanna go there. whooohhoo!
A very gorgeous place. waaaaaa .. 



1/15 older »

Wehna Gallor

Create Your Badge